Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong pinasalamatan Australian PM sa suporta

0 140

Personal na nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte kay Australian Prime Minister Scott Morrison sa tulong na ipinabot ng kanyang gobyerno para sa mga biktima ng bagyong `Rolly’ at `Ulysses’ gayundin sa mga ginagawang pagtugon sa COVID-19 pandemya.

Nagkausap sa telepono sina Duterte at Morrison kung saan nagpalitan ang mga ito ng pananaw upang lalo ang tumibay ang bilateral relations ng Pilipinas at Australia gayondin sa regional at multilateral cooperation, pati na sa resulta ng mga napag-usapan sa 37th Association of Southeast Asian (ASEAN) summit.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagpasalamat din si Pangulong Duterte kay Morrison sa pagsuporta sa arbitral award sa South China Sea pabor sa Pilipinas.

Nangako naman si Morrison kay Pangulong Duterte na mas lalo pang palalakasin ang kooperasypn at partnership sa pagitan ng Australia at Pilipinas. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.