Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong pinaupo OIC sa DENR

0 69

Inanunsiyo ng Malacañang ang appointment ng officer-in-charge (OIC) sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Nabatid na pinuwesto ng palasyo bilang OIC sa DENR si Joselin Marcus Fragada kapalit ni acting Secretary Jim Sampulna na na-bypass ng Commission on Appointments (CA).

Kasabay nito ang pagtatalaga rin kay Atty. David Erro bilang OIC ng Department of Agrarian Reform (DAR) kapalit ni acting Secretary Bernie Cruz na tulad ni Sampulna ay na-bypass din sa kumpirmasyon ng CA.

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment papers nina Erro at Fragada nitong Hunyo 20 at matatapos ang kanilang termino sa Hunyo 30, 2022.

SM food to go Banner Ad

Samantala, sa isang text message, nilinaw ni Cruz na hindi siya sinibak kungdi na-bypass ng CA kung kaya’t kinakailangang magtalaga ng OIC sa DAR.

“Hindi naman po sinibak, by operation of law po parang bypass kami after ng sine die ng Congress. They need to appoint a replacement and Usec Erro is the head of Transition Committee kaya nilagay na rin po siya na OIC,” paglilinaw ni Cruz.

Matatandaang itinalaga si Cruz bilang acting DAR secretary noong Nobyembre. Balik siya ngayon sa pagiging undersecretary ng DAR. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.