Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong pinirmahan na BFP Modernization Law

0 64

Nilgdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Biyernes ang Republic Act No. 11589 o Bureau of Fire Protection (BFP) Modernization Act.

Layon ng bagong batas na bigyan ng mga modernong kagamitan ang mga bumbero sa bansa, magkaroon ng specialized training at palawakin pa ang manpower nito.

Nakasaad din sa batas ang pagtatatag ng BFP Modernization Trust Fund.

Samantala, dinepensahan ng Pangulo ang probisyon sa bagong batas na nagbibigay ng awtoridad sa isang special unit ng mga bumbero para magbitbit ng armas.

“Fighting the fire, they have to also address the challenges dito. Sa kanila nagagalit, nagdala ng itak, minsan paputok ng baril…‘Yung iba, sa galit, pinuputol yung hose. So, there are many challenges in the work of a bumbero, in the day of his life na kailangang protektahan,” anang Pangulo. (Prince Golez/Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.