Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong pirmado na P10K insentibo sa mga gov’t employee

0 196

Magiging masaya ang Pasko ng mga kawani ng gobyerno dahil nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang one-time service recognition incentive na aabot hanggang P10,000.

Batay sa kanyang Administrative Order No. 37, sinabi ng Pangulo na dapat lamang bigyan ng kaunting kunsuwelo ang mga kawani ng gobyerno dahil sa kanilang naging kontribusyon sa maagap na pagtugon at paghahatid ng serbisyo publiko, lalo na sa panahon ng COVID-19 pandemya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kablang sa mga makakatanggap ng isentibo ay iyong mga regular na kawani, contractual o casual position, at kahit ang natapos na ang kontrata noong Nobyembre 30 at nakapagsilbi sa gobyerno ng kahit apat na buwan lamang.

Hindi kasama sa mga makakatanggap ng P10,000 na insentibo ang mga consultant, job contract, student worker at mga on-the-job service.

Hindi rin kasali sa insentibo ang mga nasa job order at contract of service.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.