Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong praktisado na sa huling SONA

0 35

Sinimulan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rehearsal para sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) sa July 26, 2021.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na halos matatapos na rin ang pagbalangkas sa magiging laman ng talumpati ng Pangulo na inaasahang maglalaman ng mahahalagang mga isyu.

“May rehearsal po si Presidente ngayon para sa SONA. Nasa pinal na po ang kanyang talumpati at based on past SONA, ayaw ni Presidente na binabago-bago yung kanyang speech,” ani Roque.

Kabilang aniya sa inaasahang sasabihin ni Pangulong Duterte sa kanyang huling SONA ang mga nagawa ng kanyang administrasyon sa nakalipas na limang taon at kung ano pa ang aasahan ng mga Pilipino bago siya bumaba sa puwesto.

“In the end, siya mismo ang nag-eedit as he rehearses,” dagdag ni Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.