Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong priority bakuna kesa Cha-Cha

0 73

Wala sa radar ni ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ngayon ang charter change na binubuhay sa Kongreso at sa halip ay prayoridad nito ang vaccine kontra sa COVID-19, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

Tugon ito ng Malacañang kasunod ng plano ng liderato ng Kamara na muling buksan ang pag-amiyenda sa Konstitusyon.

Kasabay nito, nilinaw ng kalihim na walang kumpas o basbas ni Pangulong Duterte sa Kamara para buhayin at isulong ang pag-amiyenda sa saligang batas.

“Hindi po kinakailangang bigyan ng basbas ng Presidente–iyan ay katungkulan talaga ng Kongreso. Tanging Kongreso lang ang puwedeng magsimula ng proseso para sa charter change,” aniya. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.