Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong sa mga Cebuano: Ipapakain ko mga panabong n`yo

0 529

Nakatikim uli ng sermon ang mga Cebuano sa kanyang mensahe sa bayan kahapon.

Ayon sa Pangulo, nagpatuloy umano sa sugal at pag-inom ng alak ang mga residente sa Cebu

na tila walang COVID-19 pandemic kaya napagsabihan niya ang mga ito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Matatandaan na unang linggo ng Hulyo ay nasabihan niya ng ‘matitigas ang ulo’ ang mga Cebuano kaya naging panibagong COVID-19 hotspot ng bansa.

“Sa mga Cebuano, nagalit kayo nung pinagalitan ko kayo,” sambit ni Duterte sa Bisaya. ” Bakit hindi ko kayo pagalitan? During the critical periods, nakita ko freewheeling ang Cebu na parang walang COVID. Nag-inom saka sugal pa kayo.”

Giit tuloy ng Pangulo, kung siya lang ang naging alkalde ng lugar ay pinakain na niya sa mga sabungero ang kanilang mga manok.

“My God, kung ako lang mayor niyo, sipain ko kayo. Papakain ko sa inyo mga panabong na manok at lulutuin ko sa harapan niyo,” aniya pa. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.