Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong sa mga kriminal: Hanapin ko kayo patong-patong uli patay

0 276

Nagpatama si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kriminal na makakaisip na gumawa ng karahasan sa kabila ng pandemya.

Ayon kay Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA), hindi niya pababayaan na kumalat ang krimen sa bansa hanggang siya ang Pangulo.

“Let me assure you, for as long as I am President, there can never be runaway crime in any of our cities. Hindi ako papayag,” giit ni Duterte.

Hinamon din niya ang mga kriminal na kapag pinagpatuloy ang panghoholdap at rape ay magiging kaaway niya ang mga ito.

“Kapag bumalik kayo sa dati, kagaya noon, patong-patong na naman ang patay dito. Sigurado hahanapin ko kayo,” diin ng Pangulo. “Do not ever go back to you old ways. Maghanap na lang kayo ng trabaho. Magtiis kayo.” (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.