Abante Tonite Interactive

Digong sa mga Moro: Magpulis o sundalo kayo imbes na rebelde

By
1,129

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga moro na sumali sa Phi­lippine Military Academy (PMA) at Philippine Natio­nal Police Academy (PNPA) para makatulong sa pagsusulong ng kapayapaan sa Mindanao.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa graduation rites ng PNPA “Maragtas” class of 2018 na hindi lahat ng mga moro ay kalaban ng gobyerno at kung sakaling mahikayat ang mga ito na pumasok sa akademya ay malaking bagay dahil kailangan ang mga ito.

Umaasa si Pangulong Duterte na sa susunod na batch ng mga bagong opisyal ay mayroon ng kasaling mga moro at iba pang tribo, gaya ng ilokano, bisaya at iba pa para maging kabahagi ng Philippine National Police.

“I’d like also to remind everybody that we are one nation. That not all the Moro of Mindanao are our enemies. So maybe next time there should be a percentage of the Moro people joining PMA or the PNPA. We need them. As a matter of fact, kailangan talaga natin sila,” anang Pangulo.

“We cannot govern this country by just selecting from the other provinces without looking towards Mindanao. And we need officers trained and we need to work with them in ­Mindanao,” dagdag ni Duterte.

Mas malaking bentahe ayon pa sa Presidente kung mga opisyal na moro ang maitatalaga sa Mindanao dahil naiintindihan ng mga ito ang mga paniniwala at tradisyon ng kanilang mga kababayan.