Abante Tonite Interactive

Digong sa Rappler: Kinasuhan na, may award pa

376

Muling binakbakan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang media organization na bumabatikos sa kanyang administrasyon nang humarap sa mga mamamahayag na nagkober sa pagboto niya sa Davao City nitong Lunes.

Sa kanyang pagsasalita hinggil sa mga isyung may kinalaman sa halalan na tinanong sa kanya ng media, pinaringgan ng Pangulo ang online news site na Rappler kung saan sinabi nito na kahit nahaharap na diumano sa mga kasong kriminal ay nakakatanggap pa ng mga award.

“They proclaim to the world with protestations that they are victims.

Nandiyan sila of their own making. We do not control them,” ayon kay Pangulong Duterte.

Binanatan din ng Pangulo ang aniya’y mga “professional twister” na galing diumano ang pondo sa “Western”.

Samantala, pinanindigan ng Pangulo ang inilabas na matrix na nag-uugnay sa oposisyon, ilang abogado at journalist sa tangkang pagpapabagsak umano sa kanya sa puwesto.

Sinabi ng Pangulo na totoo ang matrix pati na si alyas ‘Bikoy’ kaya kitang-kita aniya ang sabwatan ng mga grupo at perso­naldiad na nais magpatalsik sa kanya.

Gayunman, sinabi ng Pa­ngulo na ipapaubaya na niya kay Pre­sidential Spokesman Salvador Panelo ang anumang kuwestiyon tungkol sa matrix para siyang sumagot dahil napapagod na umano siya sa mga walang kuwentang tanong.

“Panelo na lang so that kung i-misquote siya, siya ‘yung madaldal eh. I get tired of answerin­g questions which are stupid,” dagdag pa ng Pangulo.

Hindi naman inamin ng Pa­nuglo kung ang nakuhang impormasyon sa matrix at narco-video ni alyas ‘Bikoy’ ay produkto ng wiretapping.

“Wiretapping is against the law. Sino ang nag-wiretap? I really do not know. Finished product na ‘yan eh. Then only if you use it in court it cannot be accepted as evi­dence,” wika pa ng Pangulo. (Aileen Taliping/Prince Golez)