Abante Tonite Interactive

Digong sa Time Magazine: Kailan pa ako naging diktador?

By
2,717

Hindi pa rin naali­s ang pagkadismaya ni Pangulong Rodrigo Du­terte sa Time Magazine matapos siyang mapabilang sa apat na world leaders na ‘strongman’.

Ayon sa Pangulo, hin­­di siya diktador at malayo sa reyalidad ang deskripsyon na ibi­nigay sa kanya ng Time Ma­gazine.

“T*** i** itong Time Magazine na ‘to. Inilagay ako doon sa mga despot. Hindi naman ako…Ba’t diktador ba ako? Since when? Since when did I send somebody to prison for just talking against me? Sige nga,” anang Pangulo.

Hindi aniya maganda ang pagka-drawin­g ng mukha nila sa ma­gazine na aniya ay muk­hang monster.

“Inilagay pa ako doon sa…Isinabay pa ako doon sa apat kami na mga…Mukhang monster pa ang pagka-drawing ng mukha na­min. Typically, the ­dr­awin­g itself was reall­y to fit you as a despot. Kayo, papayag kayo ng strongman?,” dagdag ng Pangulo.

Bukod sa Pangul­o ay kasama rin sa mga pi­nangalanang ‘strongman’ ng Time Magazine sina Russian President Vladimir Putin, President ng Turkey na si Recep Tayyip Erdogan, at Hungarian Prime Minister Viktor Orban.