Abante Tonite Interactive

Digong, Simbahan peace muna

By , ,
2,718

Tatahimik muna si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga banat sa Simba­hang Katolika.

Ito ang napagkasunduan ng Pangulo at ni Davao City Archbishop at Catholic Bi­shops Conference of the Philippines (CBCP) President Romulo Valles sa ginanap na one-on-one meeting nila sa Malacañang .

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, na nagkasundo ang Presidente at Arsobispo na magkaroon ng moratorium sa mga pahayag ng Pangulo laban sa simbahan.
Tumagal aniya ng tatlumpung minuto ang miting ng Presidente at Archbishop Valles sa loob ng Palasyo.

“President Rodrigo Duterte agreed to a moratorium on statements about the church after the meeting. It was a one on one meeting,” ang maiksing pahayag ni Roque.

Matatandaang umani ng sari-saring reaksiyon hindi lamang sa Simbahang Katolika kundi maging sa iba’t ibang religious organization ang pagkuwestiyon ng Pangulo sa bibliya at pagtawag nito ng “stupid God” na nasundan pa ng mga banat sa mga pari at sa pangungulekta ng simba­han sa pabinyag, kasal at maging sa libing ng mga patay.

Itinanggi naman ng CBCP na sangkot ang Simbahang Katolika sa planong pagpapabagsak sa administrasyong Duterte.

Base sa inilabas na pastoral letter ni CBCP Vice President, Caloocan Bishop Pablo David, ang mga pahayag mula sa kanilang sektor ay isang paalala lamang sa gobyerno bilang tugon sa pangamba ng publiko sa nangyaring sunod sunod na kaso ng karahasan.

“The church respects political authority as long as they do not contradict the basic spiritual and moral principles we hold dear; especially that of democratically-elected govern­ment officials,” ayon sa kalatas. ()