Abante Tonite Interactive

Digong sinagot ang mga isyu ng bayan sa mala-talk show ni Panelo

By
0 582

Sari-saring isyu ng bansa ang sinagot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mala-talk show interview sa kanya ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo sa Malacañang kahapon.

Sa talakayan nina Presidente at ni Panelo ay sinagot nito ang mga maiinit na isyu ng inflation rate, mataas na presyo ng bigas, kudeta at ang mga banat sa kanya ni Senador Antonio Trillanes IV.

Batay sa unang plano ay press conference ito ng Pangulo subalit da­lawang oras bago ang schedule ay inanunsiyo na hindi na ito ang format, bagkus ay si Panelo na lamang ang magtatanong at magiging talk show na ito.

Magiging tete-a-tete sana ang porma ng talakayan su­balit ito ay ipinalabas nang live sa telebisyon. Hindi na rin binasa ang inihandang tanong ng mga mamamahayag para sa press conference.

Nauna rito ay inihayag ng Pangulo na nais niyang makausap ang mga Filipino para masagot  ang mga isyung kinakaharap ng bansa.