Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong suko na kay Sara

0 140

Tinuldukan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang natitirang pag-asa ng mga tagasuporta ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa posibilidad na magbago pa ang isip nito at tumakbo sa 2022 presidential election.

Sinabi ng Pangulo na nakapagpasya na ang kanyang anak na huwag sumabak sa halalan sa pagka-pangulo sa susunod na taon.

Inihayag ito ni Pangulong Duterte matapos ang huling araw ng paghahain ng certificate of candidacy para sa mga kakandidato sa 2022 national elections noong Biyernes, Oktubre 8.

Sa panayam ng SMNI News Channel matapos bumisita ang Pangulo sa kanyang matalik na kaibigang televangelist na si Pastor Apollo Quiboloy, sinabi nitong hindi na kasali ang kanyang anak sa bakbakan sa pagka-presidente sa darating na eleksiyon.

Makailang beses na aniyang nagsalita si Mayor Sara sa mga panayam na hindi ito papalaot sa mas mataas na puwesto sa pamahalaan.

“Inday is definitely out, as she said earlier, the oft repeated statements in so many interviews,” sabi ni Pangulong Duterte.

Matapos hindi magpakita si Mayor Sara sa huling araw ng paghahain ng COC sa Sofitel Hotel sa Pasay City ay umasa ang kanyang mga tagasuporta na hahabol ito sa panahon ng substitution ng kandidato na hanggang Nobyembre 15, 2021.

Subalit naghain na ng kanyang kandidatura para magiong re-electionist si Mayor Sara sa Davao City.

Bato handang palitan ni Sara

Sa hiwalay na panayam kay Senador Ronald `Bato’ dela Rosa, sinabi nito na bukas siya sa posibilidad na palitan ni Mayor Sara bilang kandidato sa pagka-pangulo ng PDP-Laban.

Naghain ang senador ng kanyang COC para sa 2022 presidential election noong Biyernes bilang pambato ng PDP-Laban sa ilalim ng paksyon ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

“Hindi tayo magsasabi ng patapos, everything is possible, basta legal lang na paraan. `Di naman siguro dapat kinukuwestiyon pa, anything can happen, depende kung si Inday Sara gusto tumakbo at gusto n’ya tanggapin offer ng PDP,” ani Dela Rosa.

“Wala naman problema kahit `di s’ya miyembro anytime puwede syang maging myembro. According to the law, up to November 15 puwedeng magpalitan, kung gusto n’ya at kung gusto rin ng partido na si Inday Sara ang ipapalit sa akin. Ganun lang ang variables at the moment,” pahayag ng senador. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.