Abante Tonite Interactive

Digong susi ng tagumpay ko — Tolentino

0 412

Nagpasalamat si administration senatorial bet Francis Tolentino sa pag-endorso ni Pangulong Rod­rigo Duterte sa kanya na siyang dahilan kung bakit naging matagumpay ang kanyang kandidatura.

Ipinahayag ito ni Tolentino sa gitna ng partial count para sa senatorial election kung saan ay nasa ika-siyam na puwesto siya mula sa 96.38 porsiyento ng na-transmit na mga election return.

Aminado si Tolentino na ang pag-endorso sa kanya ng Pangulo ay malaking bagay para lumakas ang pangalawa niyang pagtakbo bilang senador.

“Malaki (ang naitulong ni Pangulong Duterte). I never had a presidential endorsement before (noong una kong takbo). First time po ito. Napakalaki nun. It really showed hid trust and confidence on his candidates.

Nakatulong talaga ng malaki yun,” pahayag ni Tolentino sa panayam ng isang tv station.

Batay sa partial and unofficial result mula sa transparency server ng Commission on Elections (Comelec) alas-tres ng hapon nitong Miyerkoles, nakakuha na si Tolentino ng higit 15 milyong boto

Aminado rin ang dating political adviser ni Pangu­long Duterte na mahirap ang senatorial election ngayong taon kumpara sa unang pagtakbo niya noong 2016 dahil marami ang mga kila­lang kandidato na ang iba ay re-electionist o da­ting senador.

“Sipag lang din talaga. Nagpapasalamat po tayo sa lahat ng sumuporta,” saad ni Tolentino. (JC Cahinhinan)