Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong ‘tagu-taguan’ sana huli na – Lacson

0 652

Alalahanin umano ng bawat Pilipino ang lagay ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

“Sinadya daw niya. Sana, huling ‘hide-and-seek’ na laro na ito ng Pangulo kasi maraming nag-aalala,” sabi ni Lacson.

Hinayag ito ng senador kasunod ng lumabas sa Social Weather Station survey na 65 porsiyento ng mga Pinoy ang niniwalang dapat isapubliko ng pangulo ang estado ng kanyang kalusugan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“That being said, 65% is incredibly low since his health, and for that matter that of any sitting president, should be the concern of every Filipino,” dagdag nito.

Para naman kay Senate President Vicente Sotto III, natural lang na gusto malaman ng taumbayan ang kalusugan ng pangulo. Aniya, “People always want to be sure that their leader is safe and healthy.”

Sabi naman ni Senadora Risa Hontieros, hindi ‘proof of life’ ang gustong makita ng publiko kundi ‘proof of good and authentic leadership’. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.