Abante Tonite Interactive

Digong tatanggap din ng dagdag suweldo

By
131

Makakatanggap din ng umento sa kanyang suweldo si Pangulong Rodrigo Duterte kapag ipinatupad na ang ika-apat at huling installment ng dagdag sahod sa mga empleyado ng gobyerno.

Sa kasalukuyan ay tumatanggap umano ng P298,000 kada ­buwan na suweldo ang Pangulo at magiging P399,739 na ito kapag ipinatupad ang umento.

Samantala, ang pinakamababang emple­yado ng gobyerno ay tatanggap naman ng P1,000 dagdag sa kanilang buwanang ­suweldo.

Gayunman, hindi pa maipapatupad ang umento sa mga emple­yado ng gobyerno dahil hindi pa naaaprubahan ng Kongreso ang panukalang national budget para ngayong taon.

Una nang sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na ang dagdag sa suweldo ay ibibigay sa mga empleyado sa Pebrero.