Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong tatapusin turok ng Sinopharm

0 228

Magpapaturok pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte ng pangalawang dose ng Sinopharm vaccine sa kabila ng utos nito na ipatigil ang paggamit ng bakuna ng naturang kompanya.

“Hindi ibabalik `yong pang-second dose ni Presidente para matapos niya ang second dose niya,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Inaasahang muling tuturukan ng Sinopharm vaccine ang Pangulo 21 hanggang 28 araw matapos ang unang dose na binakuna sa kanya ni Health Secretary Francico Duque III noong Lunes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Wala pang emergency use authority (EUA) ang Sinopharm vaccine kontra COVID-19 mula sa Food and Drug Administration.

“Ang sabi ni Presidente, para mawala na ang kontrobersiya dahil marami ngang nagreklamo na kinuha niya ang Sinopharm maski meron naman po itong compassionate use e para mawala na yung ganyang mga kritisismo at habang siya pa lang ang gumagamit ng 1,000 na pagbakuna, siyempre mas mabuting ibalik na muna sa Tsina,” ayon kay Roque.

Sinabi pa ng kalihim na posibleng magbago ang posisyon ng Pangulo kapag nabigyan ng EUA ang bakuna ng Sinopharm. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.