Abante Tonite Interactive

Digong tiklop kay Mocha

By
2,268

Walang magagawa si Pangulong Rodrigo Duterte kung magmatigas si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson na mag-sorry kay television host Kris Aquino.

Ito ay makaraang suwayin ni Uson ang utos ng Pangulo na humingi ng dispensa kay Aquino kaugnay sa video ni dating Senador Benigno Aquino na ipinost nito sa kanyang blog na hinalikan ng dalawang babae.

Sinabi ng Pangulo na nirerespeto niya ang oposisyon pero nirerespeto niya rin ang kanyang mga tauhan.

“As I respect the opposition, I must also respect the people in my camp. She has invoked the right of free expression … freedom to express. Once mag-invoke ka ng ganu’n wala akong magawa,” anang Pangulo.

Naunang humingi ng dispensa ang Pa­ngulo kay Kris Aquino at inatasan si Uson na mag-sorry pero hindi ito sumunod.

Sinabi ng Pangulo na ginamit ni Mocha ang kanyang karapatan sa kalayaang mag­hayag at magsalita at wala aniya itong magagawa dahil ginagarantiyahan ito sa ilalim ng Konstitusyon.