Abante Tonite Interactive

Digong tumpak sa taguring ‘cesspool’ ang Boracay

By
1,685

Galing sa mga ini­doro ng mga establisim­yento sa Boracay ang duming nilanguyan ng maraming turistang nagba­kasyon at naligo sa pamosong white beach ng nasabing isla.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque, makaraang makar­ating sa Malacañang ang natuklasan ng inter-agency task force na maraming nadiskubren­g tubo na nakadirekta sa white beach mula sa mga resort at establisim­yento sa isla.

Sinabi ni Roque na pinatotohanan lamang ito ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Boracay ay ‘cesspool’.
“Nakakataas-bala­hibo dahil tayong lahat nanggaling sa Boracay, naglangoy tayo sa white beach, iyon pala, ang nilalanguyan natin ay diretso na sa inidoro papunta na ng white beach,” ani Roque.

Pero sa kabila nito sinabi ni Roque na umaasa ang Palasyo na malilinis ang nasalaulang dagat at maibalik sa dati ang ganda ng isla ng Boracay.

Sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu na nadiskubre­ nila ang 43 pipe o tubo na may habang apat at kalahating kilometro na nakabaon sa buhangin diretso sa dagat mula Station 1 hanggang Station 3.

Sa tulong aniya ng mga ipinadalang sundalo noong Biyernes ay nakahukay pa ng dagdag na 26 pipe ang mga ito galing sa 16 na establisim­yento.

“The whole day yesterday (Friday) we were able to discover 26 pupes towards the sea fron Station 1 to Station 3 coming from 16 establishments along the shoreline. I thanked the military including the soldiers thay they were able to find out the possible culprits,” ani Cimatu.