Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong walang favoritism sa COVID vaccine

0 152

Pumalag ang Malacañang sa patama ni dating special adviser ng Inter-Agency Task Force na nakababahala umano ang pag-target ng ‘Pinas para sa Sinovac vaccine mula sa China.

Lahad ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi sila namimili sa makukuhang bakuna at tinitingnan lang kung anong pwede nang mabili ng mas mabilis.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Kung makakakuha tayo ng Pfizer, AstraZeneca at saka Moderna and Johnson & Johnson, well and good po,” ayon kay Roque. “Pero ngayon po, the market is really demand-driven and we will get what we can procure. Wala po tayong favorites.”

Nabahala si ex-special adviser ng IATF na si Dr. Tony Leachon dahil aniya, kulang ang datos para mapatunayang ligtas ang bakuna ng Sinovac.

Nag-bid ang gobyerno ng Pilipinas para makakuha ng 25 milyong dose ng naturang bakuna. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.