Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digong: Walang pardon sa durugista, letse kayo

0 60

Hindi bibigyan ng pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga durugista o mga presong nahatulan dahil sa illegal na droga.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang mensahe sa bayan nitong Lunes ng gabi matapos ipaliwanag ang ibinigay na absolute pardon kay US Marines Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

“Ah be cruel, be cruel P*****i** ninyo ,sinabi ko ng…letse kayo. Sinisira ninyo yung bayan,” anang Pangulo.
Sinabi ng Pangulo na hindi kailangang maging patas sa mga durugista dahil sila ang sumira sa bayan at sa kinabukasan ng maraming Pilipino.

Matatandaang hiniling ng Pangulo sa Kongreso na ibalik ang parusang kamatayan dahil gusto nitong sampolan ang mga nakakulong na druglords at mga miyembro ng sindikato ng droga.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.