Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Digregorio, Aces salang ng 3 araw

0 71

Mga laro ngayon (DHVSU gym, Bacolor)

12:30 pm – NorthPort vs. Magnolia

3 pm – SMB vs. Phoenix

6 pm – Ginebra vs. Alaska

Itutuloy ng Ginebra ang ahon sa standings, susundan ang come-from-behind 94-87 win laban sa Phoenix noong Miyerkoles na nag-akyat sa kanila sa 4-5 card at tie sa 7th spot ng PBA Philippine Cup.

Balik ng Don Honorio Ventura State U ang defending champions para harapin sa main game ng triple-header mamaya ang Alaska.

Uumpisahan naman ng Aces sa pangunguna ni Mike Digregorio ang makabasag-baga na back-to-back-to-back games sa loob ng tatlong araw.

Wala si Japeth Aguilar sa huling laro ng Gins, inabot ng MCL sprain sa 88-67 loss sa TNT noong Linggo.

Inaasahan ni coach Tim Cone na uupo pa rin ang kanyang big man laban sa Fuel Masters.

Wala si Aguilar, binalikat nina Stanley Pringle, LA Tenorio, Christian Standhardinger at Scottie Thompson ang ahon ng Ginebra mula 19-point deficit para itaob ang Fuel Masters.

Nagtistis si Pringle ng 31 points at 7 rebounds, 6 for 11 mula 3-point range si Tenorio tungo sa 23 points. Nagsumite ng double-double sina Standhardinger (21 points, 11 rebounds) at Thompson (12 at 11). (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.