Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dij, Dzi bronze sa beach volley

0 79

Hinakbangan nina Floremel ‘Dij’ Rodriguez at Angeline Marie ‘Dzi’ Gervacio ng Creamline 2 sina Heather Guino-o at Roma Joy Doromal ng Biogenic Alcohol, 21-18, 21-14, upang makopo ang bronze medal sa pagbabalik ng 6th Beach Volleyball Republic on Tour 2021 first leg sa Santa Ana, Cagayan Lunes.

Bago ang third place match, tumiklop sina Rodriguez at Gervacio sa semifinals kina Babylove Barbon at Gen Eslapor ng Good Health-CDO, 21-16, 17-21, 9-15.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sina Ranran Abdilla at Jaron Requinton ng Creamline 1 ang nag-bronze sa men’s division nang kaldagin sina KR Guzman at Jeremiah Barrica ng EVI Construction, 21-13, 21-17. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.