Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dila ni Alex natusok ng tinidor

0 381

Habang sinusulat ito ay top 2 trending ang Mikee sa Twitter.

May kinalaman ito sa sobrang pag-alala ng fiance ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada matapos bumaon sa “dila” ng una ang hawak na tinidor.

Pero prank lang pala ni Alex ang nangyari, sa kanyang latest vlog sa YouTube.

Kabilang sa naging biktima ni Alex ang kanyang Mommy Pinty habang napaiyak niya ang isa pang kasama nila sa bahay.

Sumunod niyang na-prank si Mikee.

Na-touch ang maraming netizen sa reaksyon ni Mikee at dagdag pogi points sa kanya ito. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.