Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DILG: 8 kapitan sa Cebu pasaway sa quarantine

0 507

Naglabas ng show cause orders ang Department of the Interior and Local Government (DILG) laban saw along barangay captain sa Ceby City dahil sa hindi pagsunod sa quarantine protocol at pagkunsinti sa ilang aktibidad sa kanilang nasasakupan.

“Meron pong mga kapitan na tinolerate nila yung pa-basketball, violation of curfew, meron pong illegal cockfighting na nangyari at hindi po nagawa ng kapitan na sila ay mapigilan or gawin yung tungkulin na ipagbawal yung ganitong klaseng pagtitipon dahil stay-at-home ang ating polisiya at naka-ECQ po ang lungsod ng Cebu,” sabi ni DILG spokesperson Jonathan Malaya.

Aniya, may ilang kapitan na umano ang tumugon sa akusasyon at pinag-aaralan na ito ng DILG. Kakasuhan umano ang sinuman na mapatutunayan hindi katanggap-tanggap ang sagot.

Leave A Reply

Your email address will not be published.