Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DILG: 99% ng pulis matitino

0 79

Umapela si Interior Secretary Eduardo Año sa publiko na wag lahatin ang mga pulis dahil 99 porsyento sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang maituturing pa ring matitino, tapat na nagseserbisyo at pinoprotektahan ang sambayanan.

SM food to go Banner Ad

“Ang kasalanan ng ilang bulok na pulis ay hindi kasalanan ng buong 220,800 police organization. Ang ating kapulisan ay buong tapang na nagsisilbi ng tapat sa publiko. Sana wag natin iyang kalimutan.”

Ito ang reaksyon ni Año makaraang pukulin ng masasamang komento sa social media ang kapulisan matapos mag-viral ang pamamaril ni Police MSgt. Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.