Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DILG: Bahay-bahay ng mga pulis sa COVID carrier, fake news!

0 182

RP

Pinabulaanan ni Interior Secretary Eduardo Año ang mga kumakalat na balita na nagbabahay-bahay na umano ang mga pulis at militar para madala ang mga COVID-19 positive sa mga isolation facility.

Ayon kay Año, parte lamang ng disinformation campaign ng ilang indibiduwal ang nasabing report, at nilinaw na magi-escort lamang ang mga pulis sa mga city health official sa ilalim ng ‘Oplan Kalinga’.

“Again, I repeat, the police are there merely in a supporting role,” ayon kay Año.

Sa ilalim ng nasabing programa, susunduin ang mga COVID-19 patient na asymptomatic at mild symptom para madala sa mga isolation facility at masigurong matatapos ang quarantine period.

Bukod sa mga pulis, kasama din ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) para matulungan ang mga health officer.

“The BFP is part of the Municipal/City COVID-19 Task Forces and in this capacity, they have been assisting the City/Municipal Health Office transport COVID patients since the start of the pandemic. In fact, they have so far transported 1,674 COVID patients nationwide,” saad ni Año.

Leave A Reply

Your email address will not be published.