Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DILG chief 1 lang napusuan kapalit ni Sinas

0 444

Ipinahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na nagsumite na siya ng isang pangalan lamang kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipapalit kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas na magreretiro sa Mayo 8.

“I already submitted to the President my recommendation for the next Chief PNP after the retirement of Gen. Debold Sinas through Napolcom (National Police Commission) Resolution No. 2021-0469,” sabi ni Año.

Ayon sa kalihim, isa lang ang kanyang nirekomenda subalit may karapatan naman aniya ang Pangulo na hirangin bilang PNP chief ang sinoman sa hanay ng pulisya na may ranggong hindi bababa sa brigadier general.

Hindi naman binanggit ng DILG chief kung sino ang kanyang inirekomenda kapalit ni Sinas. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.