Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DILG chief 2 beses inoperahan sa puso

0 218

Ibinunyag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na ‘fully recovered’ na siya mula sa dalawang heart bypass surgery na kanyang pinagdaanan habang naka-medical leave sa nakalipas na tatlong buwan.

Ayon kay Año, nagkaroon ng kumplikasyon ang una niyang operasyon kaya’t kinailangan itong ulitin ng mga doktor ngunit ngayon umano ay magaling na siya.

Matatandaang Marso, 2020 ng unang dapuan ng COVID-19 si Año ngunit asymptomatic. Muli siyang dinapuan ng virus noong Agosto, 2020 at dito ay kinailangan niyang maospital ng 11 araw.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ikinuwento ni Año na matapos siyang dalawang ulit na dapuan ng COVID-19 ay naging mabilis siyang mapagod, hingalin at bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Noong Enero aniya ay sumailalim siya sa physical examination at dito pinayuhan na siya ng mga doktor na magpaopera. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.