Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DILG chief kinumpirma NPA death squad

0 67

Ibinunyag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang pagpapakalat ng death squad ng New People’s Army sa mga urban area para maghasik ng karahasan.

sinabi ni Año na ang limang miyembro ng CPP-NPA-NDF na napatay ng mga awtoridad sa isang shootout sa Rizal noong nakaraang buwan ay bahagi ng NPA death squad na pinakalat sa Southern Luzon upang itumba ang matataas na national at local government leader sa bansa, gayundin ang mga opisyal ng pulisya at military.

“We can now confirm that the five NPA members killed in Barangay San Juan, Baras, Rizal were part of a death squad that was supposed to carry out the directive of Joma Sison to assassinate government and civilian leaders,” ayon kay Año.

Tiniyak naman ng kalihim na hindi magtatagumpay ang mga terorista sa kanilang masamang balakin kaya’t hinikayat ang mga ito na sumuko na sa mga awtoridad. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.