Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DILG chief: Tumataas demand sa shabu

0 185

Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na tumataas ang demand sa shabu kaya nagsasagawa umano ng sunod-sunod na operasyon ngayon ang Philippine National Police (PNP).

Sinabi ito ni Año sa ibinigay na ulat kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa anti-illegal drug operation ngayong pandemya kung saan binanggit nito ang pagkakahuli ng dalawang suspek na nasamsaman ng mahigit P54 milyong shabu sa Bicutan, Taguig City noong Disyembre 5.

“Ito po ang grupo na nagdadala ng shabu mula sa Mindanao papunta dito sa Metro Manila. At ayon din po sa report ni [PNP Director] General Debold Sinas, nagkaroon ng follow-up operation kahapon, 4:40 P.M. at nakapag-aresto sa isang buy-bust operation ng dalawang tao at tatlong kilong shabu ang na-recover natin, total of 20.4 million,” aniya.

“Kaya po mula po ating operation noong November 3 hanggang December 7, umaabot po ng 135,391,326 worth of shabu ang ating na-confiscate,” dagdag pa ng kalihim.

Leave A Reply

Your email address will not be published.