Abante Tonite Interactive

DILG: Dumaan muna sa barangay bago magreklamo

608

Hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang publiko na dumaan muna sa kanilang barangay para magtanong bago magreklamo sa kanilang kagawaran o sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi pa nabibiyayaan ng ayuda mula sa gobyerno.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, pakiusap nito sa mga tao na magtanong muna sa kanilang mga barangay official at alamin kung bakit sila nalampasan.

Sinabi pa ni Malaya na posible lang na hindi napansin o hindi nailista kaya mas mabuting makipag-ugnayan muna sa barangay para mapag-usapan ng maayos.

“Mas mainam na dumaan muna sa kanilang barangay `’yong mga nagrereklamo sa kanilang relief goods kasi baka hindi nila alam na nakaligtaan sila, mabilis pa naman kumalat sa social media,” sabi ni Malaya.

“Hindi `yon ang tamang proseso sa pagreklamo, dapat ay magtungo muna sa barangay at doon liwanagin ang mga katanungan,” dagdag pa nito.

Ayon kay Malaya, kailangan din bigyan ng pagkakataon ang mga barangay official na ayusin ang kanilang trabaho.

Sakaling hindi maganda ang paliwanag ng mga barangay ay maaari tumawag ang nagrereklamo sa hotline ng DSWD at DILG. (Elech Dawa)

Tonite – Wendys Inhouse Ad