Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DILG exec: Ayaw pabakuna takot maging zombie

0 155

Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya na hindi lamang kuwe-kuwento na may mga Pinoy pa ring naniniwala ngayon na magiging zombie sila kapag naturukan ng COVID bakuna.

Sinabi ito ni Malaya sa isang panayam sa radyo nang matanong sa posibleng dahilan kung bakit may ilang mamamayan ang ayaw pa rin pabakuna.

“As usual dalawang bagay, una natatakot sa zombie ano hahaha. Oo, akala natin kuwento-kuwento lang `yan but I’ve heard of that so many times sa Quezon, sa Bicol, sa kung saan-saan ano,” pahayag pa ni Malaya.

“`Yong pangalawang dahilan kung minsan ano religious belief ano, merong mga miyembro ng ilang religious congregation na ang sabi diumano ano, demonic or satanic itong vaccination na ito,” ani Malaya.

Siniguro ni Malaya na hindi naman gagawa ang gobyerno ng isang bagay na ikasasama ng mamamayan. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.