Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DILG, FDA mag-iimbestiga sa Moderna shipment

0 53

Magsasagawa umano ng imbestigasyon ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Food and Drug Administration (FDA) hinggil sa ulat na may dumating na shipment ng Moderna vaccine sa bansa noong Huwebes.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, ito’y matapos na mabalitaang may darating na Moderna vaccine sa Maynila at humihingi pa umano ang ilang pulis ng `contractor’s tax’.

Kinumpirma umano nila ito kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire subalit sinabi umano ng huli na walang inaasahang parating na bakuna ng Moderna nitong Huwebes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kaugnay nito, pinabulaanan din ni FDA Director General Eric Domingo ang balitang may dumating na shipment ng Moderna bakuna kontra COVID-19 at pinasisiyasat na rin niya ito sa kanilang Regulatory Enforcement Unit.

Dagdag pa ni Domingo, hindi pa agad na makakapagdeliber ng Moderna vaccine sa bansa dahil patuloy pa ang pag-uusap ng gobyerno sa American firm. (Dolly B. Cabreza/Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.