Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DILG humirit ng P6B para sa mga contact tracer

0 206

Humihingi ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng mahigit P6 bilyong pondo sa Kongreso para madagdagan ang bilang ng kukunin nilang mga contact tracer sa susunod na taon.

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, napalawig ang kontrata ng 15,000 contact tracer hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan.

Gayunman, humihingi pa aniya ang DILG ng karagdagang pondo para maging 25,000 na ang mga contact tracer sa 2022.

Umaasa si Densing na maaaprubahan ang kanilang kahilingan dahil mahalaga aniya ang mga contact tracer sa laban sa paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

SM food to go Banner Ad

“Na-missed out ito sa budgeting. Na-realize naman ng ating mga mambabatas na importante ang contact tracing so humihingi kami ng 25,000 contact tracers sa budget for 2022,” pahayag ni Densing kahapon.

Aniya pa, ang naturang mga contact tracer ay nakapag-training na at karamihan sa kanila ire-rehire na lamang ng pamahalaan.

Nilinaw ni Densing na ang hinihingi nilang P6.2 bilyon ay para sa buong 2022 na. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.