Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DILG ibinida humuhusay na contact tracing

0 187

Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na mas mahusay na ngayon ang contact tracing ng pamahalaan sa mga indibiduwal na tinamaan o kaya’y nakasalamuha ng taong may COVID-19.

Sabi ng kalihim, 94% ng mga probable case ang nati-trace nila araw-araw at 91% naman ang na-isolate sa loob ng 24 oras ng mga contact tracing team sa buong bansa.

Ayon kay Año, ang naturang mabilis na turn-around time ay nakamit sa pamamagitan ng 110,378 contact tracer na siyang nag-aasikaso sa 105-milyong populasyon.

“Kita sa mga datos na maganda po ang contact tracing sa ating komunidad at kanayunan. Malaking tulong dito ang ating mga LGU, BHERTS at mga pulis dahil mas mabilis na nating matukoy ang mga close contact ng kumpirmadong kaso ng COVID-19,” sabi pa ni Año. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.