Abante Tonite Interactive

DILG inawat sa paglabas ng narco-list

159

Paglabag sa 1987 Constitution ang pagbuyangyang sa narco-list ng mga politiko.

Ito ang babala nina Akbayan Party-list Rep. Tom Villarin at Ako-Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin Jr., sa Department of Interior and Local Government (DILG) kaugnay sa planong pagsasapubliko ng listahan ng mga politiko na diumano’y dawit sa kalakaran ng iligal na droga.

“I am warning DILG not to release the so-called narco-list as this is violative of due process and presumption of innocence guaranteed in our Cons­titution,” pagdidiin ni Villarin.

Kapag inilantad aniya sa publiko ang listahan ay puwedeng maharap sa mga kaso ang pinuno ng DILG.

“(DILG) Secretary (Eduardo) Año will have to face administrative and possible criminal repercussions. I hope he reconsiders such move,” dagdag ni Villarin.

Matatandaan na inilutang ng DILG ang balak na isapubliko ang narco-list sa kasagsagan ng campaign season para sa May 13 midterm elections kung saan ay tinukuran ng Malacañang ang diskarte na ito.