Abante Tonite Interactive

DILG kay VP Leni: Walang laglagan

331

Hinimok kahapon ni Interior ­Undersecretary Ricojudge ­Echiverri si VIce President Leni ­Robredo na kung may mga nalalaman itong impormasyon ­kaugnay sa iligal na droga ay ­huwag naman sana ­silang ilaglag.

“Ang amin lang ­siguro, huwag sanang mangyari na kung may malaman na ­impormasyon, sana ay ­walang laglagan… You are ­already part of the group that finds ­proper solution,” ayon kay Echiverri sa isang ­panayam sa CNN ­Philippines nitong Biyernes.

Aniya, inamin ng mga miyembro ng ­Inter-agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD) na asiwa o may agam-agam ang mga ito kay Robredo na isang lider ng oposisyon na makasama nila sa paglaban sa iligal na droga nang italaga ng adminstrasyong Duterte.

“Not nag-aalangan totally — not just me but the other agencies. Of course this is a new interaction from an opposition. This is the first time the administration will accept an opposition into a flagship program, which is very critical to the government,” ayon pa kay Echiverri.

Gayunman, ayon sa kalihim ay nakikita naman nila ang sinseridad ni Robredo sa pakikipag-­kooperasyon sa mga ICAD member na malutas ang problema sa iligal na droga sa bansa, su­balit umamasa umano silang hindi ito magli-leak ng mga kritikal na impormasyon sa oposisyon o sa mga laban sa ‘drug war’ na inilunsad ng Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

Kasabay nito, tiniyak naman ni Echiverri na hindi nila ­ipagkakait o itatago ang ­anumang ­impormasyon kay ­Robredo sa mga ­gagawing anti-drug operations ­maliban na lamang kung ito ay may kinalaman sa ‘­national security’. (­Dolly Cabreza)