Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DILG: Krimen bumaba ng 50% sa Duterte admin

0 92

Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III na bumaba ng 50 porsyento ang krimen sa bansa sa limang taon na pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Densing, ang naiulat na krimen sa nasabing panahon ay 1.35M kalahati sa 2.7M naitala mula 2010 hanggang 2015.

“Since the anti-drug war started in 2016, statistics had already shown that crimes committed from 2010 to 2015 we brought it down by 50%. So from 2.7 million, more or less, number of crimes committed in the last five and a half years gone down to 1.35 million,” paliwanag ni Densing sa isang panayam nitong Miyerkules.

Binigyang-diin ni Densing na malaki ang naitulong sa pagbaba ng kriminalidad sa bansa ang ikinasang war on drugs ni Pangulong Duterte. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.