Abante Tonite Interactive

DILG nag-deploy ng 2,838 na pulis bilang BEI

0 194

Inihayag kahapon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, na umaabot sa 2,838 na pulis ang deneputized ng Commission on Elections (Comelec) upang magsilbi bilang board of election inspectors (BEIs) nga-yong midterm elections.

Ayon kay Año, ang mga naturang pulis ang siyang mangangasiwa sa eleksiyon, kung sakaling walang gurong magsisilbi sa halalang idaraos ngayong araw.

“Elections must proceed in every precinct in the country and the PNP (Philippine National Police) is ready to be called to duty by the Comelec if there are no available tea-chers to serve in some precincts,” pahayag pa ni Año.

Nabatid na sa natu-rang 2,838 police officers, ay 1,032 ang itatalaga sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil sa mga posibleng election-rela-ted violence sa rehiyon.

Ang iba pa ay ita-talaga naman sa Police Regional Office (PRO) (415 cops); PRO4A (363); PRO13 (231); PRO5 (201); PRO11 (175); at PRO9 (136).

Sa Luzon, ang National Capital Region Police Office ay mayroong 24 BEI cops, habang 50 naman sa PRO1; 20 sa PRO2, at 96 sa PRO3.

Sa Visayas, nasa 35 BEI ang itatalaga sa PRO6 at 43 naman sa PRO12 na nasa Minda-nao, habang 17 BEI cops naman ang ipapakalat sa PRO Cordillera (PROCOR).

Ayon pa sa DILG, nasa 149,830 police personnel naman ang idedeploy nila para sa election duty sa buong bansa.

“We do not want to take any chances du-ring the elections especially since the Abu Sayyaf, the Bangsa- moro Islamic Freedom Fighters and other factions still remains to be a peace and order issue in BARMM,” ani Año.

Kaugnay nito, tiniyak rin naman ng kalihim na handa ang kanilang mga tauhan na gampanan ang kanilang tungkuling itinatakda ng batas.

“Our men and wo-men of the PNP are ready to do their duty under the law. They have already undergone training by the COMELEC for this contingency and they are on stand-by should their service be required,” dagdag pa ng Kalihim. (Dolly Cabreza)