Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DILG nakialam na sa away ng 2 alkalde

0 245

Nakabalik na sa puwesto bilang alkalde ng Jaen, Nueva Ecija si Sylvia Austria makaraang maipatupad noong Lunes ng Department of Interior and Local Government ang COMELEC status quo ante order na naipalabas pa noong Enero 12.

Pagkaraan umano ng 55 araw ay napababa sa puwesto si Antonio Esquivel na matatandaang naupo sa pagiging alkalde noong Disyembre 16.

Naideklarang wagi si Esquivel sa election protest noong Dis. 7 na dinesisyunan ni Gapan City RTC Judge Angelo Perez. Gayunman pinaboran ng COMELEC 2nd Division ang petisyon ni Austria. (Jojo de Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.