Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DILG official utas sa COVID

0 110

Pumanaw ang provincial director ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Negros Occidental nitong Miyerkoles matapos tamaan ng coronavirus disease.

Sa ulat, kinilala siyang si Ferdinand Panes, 60, na pumanaw pasado alas-11:00 ng gabi sa St. Paul’s Hospital sa Iloilo matapos atakehin sa puso.

SM food to go Banner Ad

Na-diagnose si Panes na may COVID-19 nang umuwi sa Iloilo noong Oktubre 2. Ayon kay Provincial Administrator Rayfrando Diaz, nasa 30 DILG staff member pa sa Negros Occidental ang na-test na COVID-19 positive.

Samantala, inilagay sa half-mast ang bandila ng Pilipinas sa Negros Occidental Capitol sa Bacolod City bilang parangal kay Panes. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.