Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DILG pag-iisahin parusa sa mga pasaway

0 424

Plano ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na magkaroon ng unipormadong mga ordinansa na magpapataw ng pare-parehong parusa sa lahat ng mga taong lalabag sa mga itinatakdang COVID-19 protocol ng pamahalaan.

Ayon kay Año, pupulungin niya ang mga pinuno ng mga local government unit (LGU) para sa pagbuo ng unipormadong ordinansa na magpaparusa sa mga taong hindi magsusuot ng face mask at hindi sumusunod sa physical distancing sa publikong lugar.

“Pasalamat tayo `yong ating mga LGU ay nagpasa ng ordinansa, pero mayroon tayong ipalalabas na memo na gusto sana na pare-parehas tayo ng ordinansa sa ilang araw ng pagkakakulong o kaya `yong multa para kahit saan ka magpuntang LGU parehas ang penalty,” pahayag ni Año sa panayam sa radyo.(Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.