Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DILG sa LGU: La Niña, paghandaan

0 59

Pinaghahanda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) at inatasang magsagawa ng precautionary measures upang mabawasan ang posibleng maging epekto ng La Niña sa gitna ng pandemya ng COVID-19.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, dapat na tiyakin ng lahat ng LGU na handa sila sa posibleng epekto ng La Niña.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“We always have to be preemptive instead of reactive in disaster response, which is why as early as now, we encourage LGUs to convene their respective Local Disaster Risk Reduction and Management Councils (LDRRMCs), conduct La Niña pre-disaster risk assessment (PDRA), and update their local contingency plans or La Niña action plans for Hydrometeorological Hazards,” ani Año.

Nauna rito, base sa forecast ng PAGASA, may 70% hanggang 80% tiyansa na magkaroon ng La Niña sa Oktubre 2021 hanggang sa unang bahagi ng 2022. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.