Abante Tonite Interactive

DILG sa LGU: Wala pang 100% compliant!

287

Nilinaw ng Department of Interior and Local Go­vernment (DILG) na wala pa itong idinedeklarang local government unit (LGU) na 100% fully complian­t sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin ang lahat ng nakahambalang sa kalsada

Ayon kay Usec. Jonathan Malaya, tagapagsalita ng DILG, sa ibinigay na 60-days deadline na magtatapos sa Setyembre 29 ang assessment para sa lahat ng LGU at doon ay malalaman kung sino sa mga LGU ang nakasunod sa kautusan ng Punong Ehekutibo.

“We have not made any determination on which LGUs are fully compliant because the assessment of all LGUs will come after the 60-day deadline which will be on September 29, 2019,” paliwa­nag ni Malaya.

Bukod sa pag-alis sa road obstructions, dapat ding ipatupad ng mga LGU ang lahat ng mga ordinansang may kaugnayan sa road clearing at illegal construction, ihanda ang inventory ng mga lugar na sakop nila at ilatag ang displacement strategy para sa maaapektuhan ng clearing operations

Aniya, linggo-linggong nagsusumite ng complianc­e report ang mga LGU sa DILG. “With more than two weeks to go before the deadline on September 29, the DILG enjoins all LGUs in the country, not just those in Metro Manila, to sustain the clearing of the roads for the benefit of the ge­neral public. Nonetheless, we are pleased that the road clearing is proceeding smoothly nationwide.”

Sa utos din ng ahensya, Isang validation team ang bubuuin upang alamin kung totoo ang nakalagay sa ulat ng mga LGU na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa DILG, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology at civil society. (Dolly Cabreza)