Abante Tonite Interactive

DILG sa mga LGU, kandidato: Linisin ang kalat sa botohan!

0 286

Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga pinuno ng local government unit (LGU) at mga kandidato na panguna­han ang agarang paglilinis at pagtatanggal ng kanilang mga election campaign material.

“Manalo man o matalo, ipakita ninyo na kayo ay sport at mali­nis ang inyong hangarin para sa inyong pamayanan sa pamamagitan ng pakikibahagi sa paglilinis sa iyong mga lugar,” giit ni DILG Secretary Eduardo Año.

Ipinahayag ni Año na lahat ng barangay chairman, mayor at gobernador ay inaasahang mangunguna sa paglilinis katuwang ang mga kawani ng lokal na pamahalaan lalo na ang Sanitation Division o Environmental Management Office.

“Pagtulung-tulu­ngan po natin ang pagtanggal ng mga kalat nitong nakaraang eleksyon. Ito ang ating unang hakbang para ipakita na magkakasama rin tayo sa panga­ngalaga at pagpapaunlad ng ating mga komunidad,” sabi ni ng kalihim.

Ayon kay Año, ina­asahan niya na tulad ng nakaraang halalan, tone-toneladang basura ang maiiwan sa mga kalsada at pampublikong lugar patu­ngo at sa mismong mga voting precinct dahil sa mga sample ballot, flye­r, leaflet at tarpaulin na ipinamigay ng mga kandidato.

Noong nakaraan ay nakapaghakot ang Metropolitan Manila Development Autho­rity ng ilang truck na puno ng basurang karamihan ay mga poste­r, tarpaulin at plastik matapos ang halalan sa ilang lugar lamang sa Kalakhang Maynila. (Dolly Cabreza)