Abante Tonite Interactive

DILG sa mga talunan: Move on na!

357

Hinimok kahapon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga natalong kumandidat­o sa lokal na pamahalaan na mag-move on na at tanggapin ang naging desisyon ng samba-yanan.

Kasabay nito nana­wagan si DILG Secretary Eduardo Año sa lahat ng natalo gayundin sa mga nanalo sa eleksyon na isantabi na ang kanilang mga sigalot na may kinalaman sa politika para na rin sa kapakanan ng kanilang mga nasasakupan.

“The Filipino people have spoken and now is the time to move on.

A greater agenda awaits and that is the task of nation-building. Kaya magkaisa na tayong lahat at magtulong-tulong para sa kapakanan ng ating mga lokalidad,” giit ng kalihim.

Hinikayat ni Año ang mga local government units (LGUs) sa bansa na tiyaking magkakaroon ng maayos na transisyon ng mga responsibilidad sa mga bagong halal na opisyal, kasunod nang katatapos na midterm elections.

“Now is the time to rise above party politics and interests and prepare for a smooth turnover of powers in LGUs to ensure continuit­y in local governance,” anang kalihim. (Dolly B. Cabreza)