Abante Tonite Interactive

DILG sa pulis: Alisin mga barangay checkpoint

2,142

Lahat ng mga barangay checkpoint ay dapat nakikipag-ugnayan sa mga pulis, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) said.

Ayon kay Department of Interior and Local Government Secretary (DILG) Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya na may mga tinayong checkpoints sa mga barangay upang mapigil ang pagkalat ng coronavirus disease.

“Ngayon ang paalala lang po ng DILG kasama na rin po of course ang team ni (PNP Deputy Chief for Operations Police Lieutenant General Guillermo Eleazar) at ang ating Chief PNP ay: hindi po puwede maglagay ng checkpoint ang barangay ng walang pahintulot ang kapulisan,” paliwanag ni Malaya.

“Kasi po ang kapulisan po ang nakakaalam kung sino iyong mga approved persons outside of residents – iyong mga sinasabi nating exempted people from the travel ban. Kaya po muli kami po ay nagpapaalala sa lahat ng ating barangay na bago po kayo maglagay ng checkpoint diyan magpaalam po kayo sa ating kapulisan,” sabi ng opisyal.

Inutos nito sa mga kapulisan na alisin ang mga hindi awtorisadong checkpoint sa mga lugar upang maiwasan ang anumang problema.

“Sa atin ring mga kapulisan kung mayroon pong naglagay ng mga barangay checkpoint na hindi ninyo otorisado, please tell them to remove those checkpoints, kasi nga po nakakadagdag lang sila sa kaguluhan sa baba. Ang ating mga barangay officials po should coordinate with the Philippine National Police with regards to these barangay checkpoints,” dugtong pa ni Malaya. (Prince Golez)

Tonite – Wendys Inhouse Ad