Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DILG sablay sa target vs paputok

0 99

Bigo ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa kanilang target na walang maitalang insidente na may kinalaman sa paputok ngayong holiday season.

Ito’y matapos na makapagtala ang bansa ng 10 insidenteng may kinalaman sa paputok mula alas-sais ng umaga ng Disyembre 21 hanggang alas-5:59 ng umaga nitong Disyembre 26, batay na rin sa ulat ng Department of Health (DOH).

“Ang target po natin ay magkaroon tayo ng zero firecracker incidents. Ngunit meron na po tayong ilan na naitala as of today konti pa lang naman po ito…konti lamang ang numero at karamihan nasa probinsya,” sabi ni DILG Undersecretary Jonathan sa Laging Handa public briefing kahapon.

Kaya nanawagan ito sa mamamayan na makipagtulungan at huwag nang gumamit ng mga iligal na paputok upang hindi mabiktima nito at walang masaktan. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.